Ano ang gamot na GENERIC?
Ang GENERIC ay kahalintulad rin ng Branded na gamot. Kapag ang mga kumpanya ng gamot ay gumawa ng bagong gamot, binibigyan ito ng GENERIC NAME at brand name. Halimbawa, ang Biogesic ay isang brand name; ang generic name nito ay Paracetamol, isang aktibong sangkap.
Ang GENERIC ay gawa ng mga kumpanyang dumaan din sa masusing proseso gaya dng branded. Ang katotohanan ay kadalasang iisang kumpanya din ang gumagawa ng mga ito.
May katulad na aktibong sangkap, sukat sa pag inom at bisa ang GENERIC gaya ng branded.
Ang kawani ng DEPARTMENT OF HEALTH AT BUREAU OF FOOD & DRUGS (BFAD) ay nagpapatibay sa kalidad ng generics sa paraan ng
CERTIFICATE of PRODUCT REGISTRATION.Ito ay bilang patunay na ang ginawang gamut ay nakapasa sa kanilang masusing pagsusuri at pamantayan para masiguradong kasing bisa at kasing kalidad ito ng naunang gamot.
Bakit naiiba minsan ang hitsura ng GENERIC?
Maaring maiba ang di-aktibong sangkap (excipients) ng generic kaysa branded. Maaring pag mulan ito ng pagkakaiba sa kulay, hugis, laki at minsan sa lasa ng gamot. Ngunit ito ay sa panlabas na anyo lamang at hindi nito naaapektuhan ang aktibong sangkap, na siyang panlunas sa sakit.
Palagi bang may katumbas na GENERIC ang gamut mo?
Bakit presyong magaan sa bulsa ang GENERICS?
Ang kumpanya ng generics ay di na kailangang gumastos sa pagsusuri at pag buo ng formula, dahil ang formula ng naunang gamut ay subok na.
Di na rin kailangan gumastos sa Advertising para ipakilala ang gamut dahil ang kumpanya ng branded ay ipinakilala na ang husay nito sa loob ng 20 taon.
Mga paalala bago uminom ng gamot:
Generic name ay alamin, murang gamut ang piliin.
Eksaktong reseta ng doctor ay sundin upang sakit ay gumaling.
Nawa’y huwag isipin na lahat ng gamut na pang matanda ay pwede sa bata.
Eto ang dapat gawin: pag sintomas 2 araw na doctor konsultahin na
Reseta ng doctor ay mahalaga kaya huwag basta uminom ng gamut na di inereseta.
Iwasan ang ibang gamut, inumin at pagkain na makapag papabawas –bisa sa gamut na ininom.
Chibog, tubig at pahinga ang panlaban sa sipon at lagnat na pangkaraniwan na kusang gumagaling namnan
Side effect ng gamut at alamin nang wala kayong alalahanin
0 comments:
Post a Comment